Warning: mysql_real_escape_string(): Access denied for user ''@'localhost' (using password: NO) in /home/codefros/public_html/blog/wp-content/plugins/statpress-reloaded/statpress.php on line 1786

Warning: mysql_real_escape_string(): A link to the server could not be established in /home/codefros/public_html/blog/wp-content/plugins/statpress-reloaded/statpress.php on line 1786

Sariling Wika
CodeFrost

Sariling Wika

HTC Magic

by on Apr.02, 2010, under Gadget, Programming, Review, Sariling Wika, Technical

Simula ng makatiyempo akong makabili ng murang HTC Magic dahil nagsale ang vodafone dito sa qatar noong Nov, 2009 (original price ay QR 1,999 pero sinale ng QR 999 katumbas ng 13,000 Pesos lamang!!! kaya’t di ko na to pinalampas), naging abala ako sa pagkalikot nito at sa pagpapalit ng ROM na tinatawag. Ito yung kung ikukumpara mo sa computer ay ang mismong OS nya tulad ng windows xp/vista/7.

Ang HTC Magic (kilala rin bilang HTC Sapphire o G2 kung minsan) ay ang ikalawang Smart Phone na gawa ng HTC na may Android OS (gawa naman ng Google ito). Ang una ay ang tinatawag na HTC Dream na ang tawag naman ng karamihan ay G1. Ang dream ay may physical na keyboard ngunit may touch screen din. Samantalang ang HTC Magic ay walang physical keyboard tulad ng nasa larawan. Gayunpaman, mas mataas ang specs ng HTC Magic at mas improved na ito kaysa sa dream kahit na wala itong physical keyboard na sliding.

Ang Android OS ay Open Source na ang ibig sabihin ay lahat ay maaaring tingnan at kumopya ng source code nito (ngunit may kaakibat na kondisyon na tatalakayin ko sa susunod). Kaya’t maraming mga developers o programmers at hobbyist ang gumagawa ng sarili nilang version ng ROM para sa HTC Magic na kanya kanya ng improvements o dagdag na features. Hacking ang tawag sa ganito. (Ipaliwanag ko ang hacking sa ibang paksa). Ang phone na ito ay hindi na bago sa ngayon, sapagkat may mga bagong labas na rin na Android based smart phones particular na gawa ng HTC at google tulad ng Nexus One, HTC Desire at iba pa. Ngunit dahil sa angking galing ng mga developers ng Android (at sa oras na pede nilang igugol dito hahaha) ay nagagawa nilang ipasok ang mga features ng makabagong phones na ito sa HTC Magic. Kaya’t ang nasa larawan sa taas ay maaring maging kamukha nito.

Ang nasa larawan sa taas ay base sa HTC Hero (mas bago sa HTC Magic) pero bago pa man ilabas ng HTC ang update para sa ganitong itsura sa HTC Magic, ay nagawa na ng community ng developers sa phone na ito na ilagay ito sa HTC Magic.

Nakakalibang ang ganitong gawain para sa akin na isa ring developer. Nagpapalit palit ako ng ROM at hinanap ang pinaka the best n ROM para sa akin at dumating pa sa punto na, ang ginawa ko na lang sa phone ko ay magpalit ng magpalit at di na gamitin sa pang-araw araw hahaha. Ito ang obsession ko sa ganitong larangan. Dumating din sa point na gusto ko na ring magdevelop para sa android. Nagsimula na akong magbasa ng libro tungkol dito ngunit wala akong oras para ipagpatuloy ito (hindi itong entry ko kundi yung pagaaral ng android haha)

Sa totoo lang, wala akong balak bumili ng ganitong smart phone dahil may kamahalan nga sila. Isa pa, ayos pa ako sa SE phone ko dahil may flashlight ito haha. Pero ang gusto ko talagang bilin ay ang X1 o kaya ay Ipod Touch lamang para na rin sa pagkalap ng information, pag organisa ng mga gawain at iba pang kayang gawin ng smart phone. Bakit Ipod Touch at hindi Iphone ka ninyo? Dahil may phone naman ako para sa pagtawag at ang Ipod Touch naman ay tulad na rin ng Iphone. Yung nga lang di ka makakatawag o makakapagtext (pede sa chikka hehe). Kaya’t kung masnatch man ang Ipod Touch ko ay may cp pa ako na pantawag ng tulong haha. Di ko talaga iniisip ang OS ng phone na bibilin ko at dito ko lang nalaman ang kahalagahan ng OS sa pagpili ng cell phone.

Sa susunod ay tatalakayin ko naman ang mga detalye sa ROM na gamit ko, pati na rin ang mga taong gumagawa nito kasama na rin ang drama sa kumunidad ng mga developers na nangyayari sa kasalukuyan. Pati na rin ang aking opinyon sa Iphone at kung ano ang advantage ng open source sa tulad ng Iphone.

1 Comment :, , , , , , , more...

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!